Sabado, Agosto 13, 2011

NA-REALIZE KO: D, A , Em, G (August 5, 2011 ^_^)

na kailangan talagang bigyan ng karampatang papuri ang ating mga NANAY dahil sa kanilang sakripisyo para sa atin na kanilang mga anak. Kagabi kasi galing ako ng Musikatha for our practice para sa darating na Linggo. Mga 12MN na ko naka-uwi. Nasa Musikatha pa lang ako, gusto ko nang maka-uwi kaagad para mag-worship sa LORD gamit ang guitar ni daddy at ang mga chords na kahit anong kanta ay sumasakto: D, A, Em, G. Bakit 'yan lang ang gamit ko? Kasi 'yan pa lang ang alam ko. Sobrang natutuwa ako sa LORD kasi kahit na apat lang 'yan, feeling ko kapag sumasamba ako sa Panginoon, ang daming kanta at himig ang nabubuo na hindi kayang sabihin ng kahit anong salita.. at dahil dun, pasok lahat. Mapa-Musikatha songs at iba pang mga worship songs na kinakanta natin ngayon... nakaka-tuwa.. That's my release--ang pag-samba. Ang mga bagay na hindi ko pa kaya at di pa maaaring sabihin, ay nasasambit ng aking puso.. ang itinatago sa bawat patak ng luha.. ang bawat hikbi.. lahat pasok sa D, A, Em, at G.

Gustohin ko mang maka-take-off in worship ng pag-uwi kong 'yon, hindi pa pwede.. pagdating ko kasi naalala kong bigla ang project ni bunso.. May project nga pala siya sa Math and August 5 (ngayon) ang pasahan.. Kaya ang ginawa ko, nagpatug-tog muna ako sa aking kwarto ng isang kanta na sakto sa sitwasyon ko.. "BEAUTIFUL" ni Kari Jobe.. Gustong gusto ko kasi 'yung part na "Here in Your presence, I am not afraid of brokenness, to wash Your feet with humble tears, oh I would be poured out 'til nothing's left"... 'yun naman kasi talaga ang alam kong mangyayari sa gabing 'yon. Ngunit may kailangan pang gawin kaya nag-paubaya muna ang aking uhaw sa pagsamba sa pagpapatugtog ng kantang 'yon..

Nung una, kasama ko pa si bunso, pero sabi ko matulog na siya at si ate na lang ang gagawa dahil late na masyado at may pasok parin siya bukas. Kaya pinapunta ko na siya sa kwarto nila ni mommy and daddy at natulog na siya. Nakakatawa pa nga kasi nung pag-pasok ko sa kwarto para tingnan kung natulog na ba siya, eh may hawak pang laruan, 'yung sticks ng pick-up sticks.. yakap niya.. eh delikado 'yon at baka matusok ang mata niya, kaya kinuha ko, pero nagising siya. Nagsalita habang lasing sa antok, nabulol pa =)),

Jewel: Ku-kukunin ko na lang 'yan ate sa'yo bukas ng umaga ha.. kakatok na lang ako sa'yo.
Ate Jane: Itatabi ko na lang dito.
Jewel: 'wag baka mawala
Ate Jane: Hindi.. aayusin ko ang pag-tago.

Nung na-satisfy siya sa sagot ko, pumikit na siya at natulog na ulit. Ang sarap panoorin ni Jewel habang natutulog pero kailangan ko pang tapusin ang project niya. Bumalik na'ko ng kwarto at nag-karoon ng mas kalayaan na mag-worship sa LORD kahit na gumagawa ako ng project. Naka-dami ako ng buntung hininga habang gumagawa. Napa-hinto ng ilang beses, buntong hininga at gawa ulit. Sa loob ng ilang oras na 'yon alam ko na sumasamba ang buong ako kahit na may ginagawa ako.. walang kasing sarap na sandali.. hinding hindi ko ipag-papalit. At sa wakas, natapos na 'ko, at pag-tingin ko sa relo ko, 3:30AM na. I documented Jewel's project through a camera para mabalikan niya ang memories pagdating ng panahon. Naisip ko, ganito at mas higit pa ang hirap ng mommy ko sakin, saming tatlo nila ate at kuya dati (wala pa si Jewel nun). Nag-luluto pa si mommy, nag-lalaba, nag-aayos ng bahay at nag-aasikaso ng gawain sa church. Inaasikaso pa niya ang mga kapatiran pati ang mga gawain dun... At hanggang ngayon, ginagawa niya 'yon. Kahit na tatlo na lang kaming anak sa bahay (dahil married na si ate), hindi parin nag-babago ang pag-aasikaso ni mommy. At dahil dun love na love ko siya. =' )

Inayos ko na ang mga gupit-gupit ng mga diyaryo at papel at nilinis ang kama ko.. Agad-agad kong kinuha ang gitara at tinipa ang "D". Alam kong dun pa lang may ginagawa na ang Panginoon sa puso ko. "Ito na 'to.." ang sabi ko.. "moment na namin ng Asawa ko.." (that's my endearment to JESUS). Nag-usap kami. Sumayaw. Nag-yakap. At sa panahong iyon naintindihan ko kung para saan ang tangan ko ngayon. Nagsimulang awitin ng puso ko ang "Nawa ay tanggapin",pagkatapos ay "Puso ko'y sa'Yo", at ang lahat ng tangan ko ay kinuha ni Hesus nung kinanta ko na ang "Sa'Yo". Alam Niya kasi eh.. Alam Niya ang nararamdaman ko.. walang lingid sa Kanya.

Maraming salamat sa pag-basa mo nito. Pag-palain ka ni JESUS!